Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pinaikling isolation period para sa mga fully vaccinated healthcare workers.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na paiksiin sa limang araw ang quarantine period sa mga bakunadong health workers.
Inanunsyo rin ni Nograles na pinapayagan ring sumailalim sa home quarantine ang mga asymptomatic, mild at moderate COVID-19 cases at maging ang mga close contacts ng mga ito.
Mag-iisyu aniya ang Department of Health (DOH) ng protocols kung paano ipatutupad ang naturang resolusyon.