Magkakasa ng pinaikling oras ng biyahe ang LRT-1 bukas, ika-24 at ika-31 ng Disyembre.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-8 ng gabi ang operasyon ng LRT-1 bukas para sa north at southbound.
Sa ika-31 ng Disyembre naman, alas-4:30 ng madaling araw ang simula ng biyahe ng LRT-1 hanggang alas-7 ng gabi.
Mananatili namang sarado, until further notice, ang Roosevelt Station ng LRT-1 dahil sa patuloy na pagtatayo ng common station o unified grand central station na mag-uugnay sa LRT-1, MRT-3 at MRT-7.
Samantala, shortened operating hours din ang ipatutupad ng LRT-2 kung saan sa ika-24 ng Disyembre ay alas-8 ng gabi ang last commercial train galing Cubao at Recto.
Sa ika-31 ng Disyembre naman, aalis ng alas-7:30 ng gabi ang huling biyahe ng tren galing Cubao at Recto.
Ayon sa pamunuan ng LRT-2, layon ng hakbangin na mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga tauhang makauwi ng maaga para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang pamilya.
Regular operating hours naman ang iiral sa iba pang holiday tulad ng mismong araw ng Pasko, Rizal Day, ika-30 ng Disyembre, at ika-1 ng Enero, 2021, Bagong Taon.
Here’s the latest #LRT1 schedule!Please take note of the special operating hours for Dec 24 (Christmas Eve) & Dec 31 (NYE)
LRT-1 will continue to serve passengers on Dec25 (Xmas Day), Dec30 (Rizal Day) & Jan 1, 2021 (New Year) following the regular weekends/holiday schedule. pic.twitter.com/6MD3cKRzNS
— Light Rail Manila Corporation (@officialLRT1) December 22, 2020