Winelcome ng OWWA ang pinaikling quarantine period para sa mga papauwing OFW.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac .. maraming OFWs ang fully vaccinated na at nais kaagad makapiling ang kanilang pamilya kaya’t magandang hakbang ang pagpapaikli ng isolation period.
Makakatulong din aniya ang nasabing hakbangin para mabawasan ang gastos ng ahensya sa pananatili sa quarantine facilities ng mga OFW’s.
Ipinabatid ni Cacdac na halos 10,000 OFWs ang nasa isolation facilities.