Sisimulan na sa Sabado, Abril 17 ang pinaikling oras ng biyahe ng LRT line 2 o alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Ito ayon sa LRTA ay para masiguro ang kaligtasan ng commuters sa gitna nang patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Balik ang regular operating hours ng LRT 2 sa Mayo 1.