Unti-unti nang nararamdaman ang epekto ng dalawang linggong ECQ status na pinairal sa NCR plus.
Ayon ito kay Professor Guido David, miyembro ng OCTA research group matapos maitala sa 1.16 ang reproduction number ng COVID-19 cases sa Metro Manila hanggang kahapon.
Nilinaw sa DWIZ ni David na hindi pa tuluyang bumababa ang kaso sa buong NCR bagamat may mga LGU na nakapagtala ng may downward trend sa COVID-19 cases.
Yung sa buong NCR medyo hindi naman tumaas or bumaba masyado yung cases pero may mga LGU na may improvement, downward trend na kasama dito yung Pasay, Mandaluyong, Marikina, Taguig, Manila saka Muntinlupa. May mga iba na pababa na, nakikita na natin nagsimula ng bumaba at may ilang LGU naman na hindi na rin tumataas masyado, ” ani David.
Gayunman sinabi ni David na hindi nila matukoy ang partikular na hakbangin na nagpababa sa reproduction number ng COVID cases sa Metro Manila bagamat maaring nakatulong ang localized lockdown na ipinatupad sa ilang area sa NCR.
Hindi natin ma-i-identify kung ano yung specific, yung measures na nakatulong pero in totality nakatulong lahat ‘yan. Ang nakakagulat yung Pasay 157 na lang yung average cases nila so, baka nakatulong din yung localized lockdown nila, in fact mas marami ng cases sa San Juan ngayon kesa sa Pasay,” ani David.