Sanib-puwersa ang SM Mall of Asia at Philippine Bonsai Society para ihatid sa publiko ang itinuturing na pinaka bonggang bonsai exhibit sa asya.
Bubuksan ng SM Mall of Asia sa publiko simula June 10 ang nasabing bonsai exhibit na mas paniningningin pa ng kauna unahang joint convention ng Asia Pacific Bonsai and Suiseki Convention (ASPAC) at Asia Pacific Bonsai Friendship Federation (ABFF) ang regional group ng World Bonsai Friendship Federation (WBFF), ang pinakamalaking bonsai organization sa buong mundo.
Kasabay nang pagdaraos ng grandest bonsai exhibit ang pagdiriwang ng 50th anniversary ng Philippine Bonsai Society na pinakamatanda at pinaka prestiyosong graden club sa bansa.
Tampok sa nasabing exhibit na gagawin sa entertainment mall, music hall at SM by the bay, ang tatlong uri ng Japanese art: ang bonsai na miniaturized subalit realistic representation ng nature sa pamamagitan ng isang puno Ikebana – japanese art flower arrangement at Suiseki -ang Japanese art of Stone Appreciation na nagbibigay halaga sa stability o pagiging matatag, longevity at immortality.
Ang display ay nakahikayat sa mga pangulo at miyembro ng bonsai clubs mula sa Asia Pacific kaya naman handa ang bonsai masters na magsagawa ng lectures at demonstrations hinggil sa bonsai, ikebana at suiseki.
Nagkasa rin ng isang garden bazaar para sa plant enthuiasts o plantitas at plantitos sa SM by the bay o sa labas lamang ng mismong bonsai exhibit.
Kaya naman, i-calendar na ang June 10 hanggang 18 para personal na I-experience ang pinakamalaking display ng Japanese art sa asya sa SM Mall of Asia ang grandest bonsai exhibit!