Karagdagang 257 COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) kahapon.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mababang daily infections simula noong Hunyo 15 kung saan 256 cases ang naitala at ikalawang araw na mababa pa sa 300 ang kaso.
Ayon sa DOH, bumaba pa sa 14,695 ang active cases ng COVID-19 habang bahagya pang umakyat sa 4,062 thousand ang total caseload.
Kabilang na rito ang 3,983,000 recoveries at 65,309 death toll.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa mga rehiyong may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 4,272;sinundan ng CALABARZON, 1,907 at Central Luzon, 909.