Asahan na lalala pa ang init ng panahon dahil sa mas matinding sikat ng araw sa mga susunod na linggo.
Ayon sa PAGASA Weather Bureau, posibleng pumalo sa mahigit 40°C ang pinaka mainit na temperatura pagsapit ng buwan ng Mayo.
Dahil dito, nagbabala sa publiko ang Department of Health na maaring makamatay ang Heatstroke na nakukuha dahil sa matinding init ng panahon.
Sinabi ng ahensya na dapat na regular na umiinom ng tubig at palaging magpayong o anomang gamit na panangga sa sikat ng araw kapag lumalabas ng bahay upang maiwasan ang nasabing sakit.
Dagdag pa ng DOH na sa ganitong panahon din nauuso o lumalabas ang ibat-ibang uri ng sakit katulad nalang ng sore eyes, bulutong at iba pa. —sa panulat ni Angelica Doctolero