Naitala sa Quezon City ang pinaka-mainit na temperatura sa Metro Manila sa ngayon.
Ayon sa PAGASA umabot sa 36.6 degrees celsius ang temperatura sa science garden mag-a-alas tres (3) kahapon.
Sumampa naman sa 39 degrees celsius ang heat index o init na naramdaman ng tao.
Samantala, ibinabala ng PAGASA na maaaring manatili ang lebel ng temperatura sa Metro Manila sa 36 degrees celsius sa susunod na tatlong (3) araw na may minimum temperature na 25 degrees celsius.
Posible namang umabot sa 27 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City; 33 degrees celsius sa Legazpi City at 34 degrees celsius sa Cebu City.