Naitala kahapon ang pinaka-mainit na temperatura sa Metro Manila ngayong taon.
Ayon sa PAGASA, umabot sa 36 degrees celsius ang temperatura sa Science Garden, Quezon City, pasado ala una ng hapon.
Katumbas ito ng 39 degrees celsius heat index o init factor.
Sumampa naman sa 36.5 degrees celsius sa San Jose, Occidental Mindoro, na pinaka-mataas na temperatura sa bansa sa ngayon.
Una nang ibinabala ng PAGASA na titindi pa ang init ng panahon sa mga susunod na araw lalo’t noon lamang Marso 16 opisyal na nagsimula ang tag-init.