Lumobo sa mahigit 186,000 passengers ang gumamit ng MRT-3 nito lamang Martes, November 30 o noong Bonifacio Day.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mataas na bilang ng mga mananakay ng MRT sa isang araw nang magsimula ang COVID-19 pandemic o simula Marso noong isang taon.
Ayon sa management ng MRT-3, nagkaroon ng improvement sa capacity kaya’t maraming pasahero ang naisakay sa loob lamang ng isang araw, bukod pa sa pagbilis ng takbo ng mga tren.
Tumaas ang maximum capacity ng mga tren sa 70% o 276 passengers per train car hanggang nitong Nobyembre kumpara sa 30% o 124 passengers per train car back noong Pebrero.
Nasa 60 kilometers per hour naman ang operational speed ng MRT-3 trains simula noong December 2020 kumpara sa dating 50 kilometers per hour.
Samantala, muling pina-alalahanan ng MRT management ang mga mananakay na laging sumunod sa health protocols kahit nasa ilalim ng mas maluwag na restrictions o alert level 2 ang Metro Manila. —sa panulat ni Drew Nacino