Nakapagtala ang Switzerland ng pinaka mabilis na pagkatunaw ng glacier mula nang magsimula ang monitoring, makaraan ang mahigit isang siglo.
Batay sa pag-aaral ng Swiss Academy of Sciences, hindi bababa sa 3 cubic kilometers ng yelo ang nawala sa Alps.
Ito ay dahil sa mababang pag-ulan ng niyebe sa taglamig at patuloy na heat waves tuwing tag-araw.
Samantala, mababatid sa isinagawang pag-aaral na nasa 6% ng glacier ang nawala, at inaasahang mahigit 80% naman ang mawawala kung patuloy pang tataas ang greenhouse gas emissions. —sa panulat ni Hannah Oledan