Kasado na ngayong buwan ang 2022 edition ng rim of the Pacific Exercise (RIMPAC), ang pinaka-malaking Naval War games, na pinangungunahan ng quad group na binubuo ng US, Japan, India at Australia.
Ito’y sa gitna ng inilunsad na military patrol ng China sa paligid ng taiwan na preparasyon umano sa pagsakop o pagbawi sa nasabing isla.
22 pang bansa ang lalahok sa RIMPAC kabilang ang limang claimants sa Spratly Islands, sa pangunguna ng Pilipinas, Malaysia at Brunei.
Isasagawa ang aktibidad sa Hawaii at bahagi ng California, USA simula June 29 hanggang August 4.
25 libong sundalo, halos 50 barkong pandigma, submarines at nasa 170 aircraft ang lalahok sa military exercise.