Pinutakte ng mga kadalasang problema tuwing unang araw ng Balik-Eskwela ang pinaka-malaking public school sa Bohol na Doctor Cecilio Putong National Highschool sa Tagbilaran City.
Bagaman sapat ang bilang ng mga guro, inireklamo ng mga estudyante at magulang ang pagsisiksikan sa mga silid-aralan dahil sa kakulangan ng classrooms maging ng mga desk
Ayon kay Assistant School Principal Melchor Daniel, hindi pa natatapos ang ipinatatayong dalawang classroom buildings kaya’t nakikisiksik sa ibang silid-aralan ang mga estudyante.
Sa oras anya na matapos ang dalawang gusali ay madaragdagan ng 40 silid-aralan ang nasabing paaralan na mayroong 6,000 estudyante.
Humingi naman ng pang-unawa si Daniel sa mga estudyante at magulang kasabay ng pagtiyak na naglatag na sila ng mga hakbang upang masolusyonan ang kakulangan sa mga silid-aralan.