Inatasan na ng Chinese government ang mga local health authorities na maglagay na ng mas maraming hospital beds at magsanay ng karagdagang personnel sa dahil sa tumitinding COVID-19 surge.
Kinumpirma ni Jiao Yahui, Director ng Medical Affairs Department ng National Health Commission (NHC), na may sapat pang critical care beds pero umaabot na sa rurok ang COVID-19 cases kaya’t malapit na ring maabot ang hospital capacity sa mga probinsya.
Batay sa leaked memorandum ng NHC, aabot na sa halos 250-M ang tinamaan ng COVID-19 sa China sa nakalipas na 20 araw ngayong Disyembre.
Gayunman, hindi pa ito bineberipika ng mismong Chinese government dahil na rin sa news blackout.
Kabilang naman sa nakararanas ng matinding surge ang mga lalawigan ng Zhejiang at Sichuan kung saan nasa isang milyong kaso na ang naitatala kada araw.