Naitala kahapon ang pinaka-malamig na temperatura sa Metro Manila ngayong amihan season.
Ayon sa PAGASA, dakong alas-8 ng umaga nang bumagsak sa 19.7 °C ang temperatura sa Science Garden sa Quezon City.
Posibleng bumaba pa ang temperatura sa Metro Manila sa mga susunod na araw lalo’t inaasahang magtatagal ang amihan hanggang ikalawang linggo ng Marso.
January 11, 1914 nang maitala ang 14.5°C na temperatura sa Metro Manila, na pinaka-mababa sa kasaysayan ng bansa.
Samantala, umabot naman sa 11°C ang temperatura sa Baguio City; 18°C sa Tanay, Rizal; 18.6 °C sa Casiguran, Aurora at Laoag City, Ilocos norte; 19°C sa Malaybalay, Bukidnon;
19.1°C sa Basco, Batanes at San Jose, Occidental Mindoro; 19.6°C sa Sinait, Ilocos Sur at 19.8°C sa Abucay, Bataan.