Naitala sa Central Visayas ang pinaka-maraming COVID-19 cases sa nakalipas na linggo.
Batay sa Bulletin ng Department of Health, aabot na sa 46 ang mga pasyenteng kritikal habang 14 na ang namatay.
Kabilang ang mga ito sa 379 additional cases mula July 3 hanggang 9.
Gayunman, nananatiling mababa ang ICU bed capacity kung saan 13 mula sa 118 lamang ang okupado habang ang nalalabi ay pawang nasa Non-ICU COVID-19 wards.
Dahil sa bahagyang pagtaas ng mga kaso, nagpatupad na ang mga Lokal na Pamahalaan ng ilang polisiya gaya sa Cebu City, kung saan pinaigting na ang implementasyon ng “Toktok Bakuna” o pagbabahay-bahay para bakunahan ang mga unvaccinated.
Sa lalawigan ng Bohol, kinansela na ang Sandugo Festival Street Dancing Competition dahil sa pagtaas ng mga bagong COVID-19 cases.