Sumampa na sa kabuuang 400,892 na bagong kaso ng COVID-19at 5,559 fatalities ang naitala nitong Agosto lamang sa gitna ng pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant sa bansa.
Ito na ang pinaka-mataas na monthly COVID-19 statistics sa bansa simula nang pumutok ang pandemya.
Ang mga bagong kaso noong Agosto ay 38% mataas kumpara sa 290,172 noong Abril o panahong laganap ang Alpha at Beta variants sa NCR plus at nalalabing bahagi ng Luzon.
Mataas din ito ng 214.5% sa 127,465 cases na naitala noong Agosto ng isang taon o sa kasagsagan ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Ang naitalang namang 5,559 ay 41% na mataas sa 3,937 mortalities noong Abril at 262% na mataas sa 1,535 deaths noong Agosto 2020.
Nilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa nararating ng Pilipinas ang tinatawag na epidemic peak at tataas pa ang mga kaso dahil sa patuloy na pagkalat ng Delta variant. —sa panulat ni Drew Nacino