Pumanaw na ang pinakamatandang elepante sa Pilipinas na si Vishwamali o mas kilala bilang “Mali”.
Ayon kay Manila Honey Lacuna, maghahalos 50 taon na ang edad ng nasabing elepante bago ito namatay kahapon, Nobyembre bente-otso.
Sa ngayon, nakatakdang isailalim sa necropsy si Mali upang malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Matatandaang isa si “Mali” sa main attraction o dinadayo sa Manila Zoo.