Sumadsad pa sa 1, 735 ang additional COVID-19 cases ang naitala sa bansa kahapon.
Ito na ang pinakamababang daily tally simula noong July 13 at kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 35 araw na nasa below 2, 000 na ang bilang ng mga kaso.
Ang mga naitalang additional cases kahapon ang ika-limang sunod na araw na unti-unting bumababa ang mga bagong kaso.
Sa datos ng Department of Health, lumagpak naman sa 31, 542 ang aktibong kaso kahapon kumpara sa 33, 774 noong lunes.
Dahil dito, umabot na sa 3, 860, 537 ang total caseload kabilang na ang 3, 767, 569 recoveries habang tumaas sa 61, 426 ang death toll.
Pinaka-marami pa rin ang naitalang kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa National Capital Region, 14, 575; CALABARZON, 8, 476; Central Luzon, 4, 881; Western Visayas, 2, 504 at Cagayan Valley na mayroong 2, 221.