Binuksan na ng SM City North Edsa ang space museum para sa kakaibang adventure at multimedia art destination ng mall goers at content creators.
Dahil dito, hinimok ng SM ang publiko na bisitahin ang space museum na nasa ikalawang level ng North Towers ng SM North Edsa kung saan masasaksihan ang siyam na designed themed transitions and main experiences para sa hindi malilimutang pagtugaygay sa mga misteryo ng uniberso.
Simulan ang paglalakbay sa “The Portal” Kung saan makikita ang transition sa galaxy adventure.
Sunod na pasukin ang “The Observatory” Para maengkuwentro ang tianguriang galactic magical creatures sa pag-explore sa kalaliman ng universe.
Sumabay sa galaw ng cosmos sa pamamagitan ng “Cosmic currents” at alamin ang mga teritoryo sa “Between the unknown”.
Asahan naman ang bagong discovery sa “Collission” Kung saan mararamdaman ang impact sa bawat moment.
Magitla sa matalinghagang ganda ng space sa “Celestial cracks” Bago ika nga’y hanapin ang daan pabalik sa ating mundo sa pamamagitan ng “A way home” At tantyahin ang bawat hakbang sa “The traveler”.
Mag-reflect sa makulay na takbo ng buhay at ipunin ang mga memories sa “Off course” bago bumalik sa tahanan.
Para maabot ang lahat, nagkasa ang space museum ng promo kung saan may libreng pass ang isa pa sa kada apat na sisilip dito kasama ang pagbili ng halagang 1, 500 pesos mula sa partner tenants ng SM.
Bukod dito, katumbas ng isang pass sa space museum ang isang cinema ticket.
Kaya I-share na ang awe-inspiring moments sa The Space Museum sa pamamagitan nang pagpo-post ng snaps at video sa Tiktok gamit ang hashtag #spacemuseumatsmnorth para sa tsansang mapasama rin sa official social media accounts ng SM Supermalls at SM North Edsa.
Maghanda nang mamangha sa kakaibang experience at huwag magpahuli sa pagsilip sa the space museum sa SM North Edsa mula June 1 hanggang August 31.