Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan nakapagtala ng panibagong record high na net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay makaraang makakuha si Pangulong Duterte ng positive 66 na net satisfaction rating para sa ikalawang bahagi ng 2017 na mas mataas sa positive 63 net satisfaction rating noong Marso.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pinapakita lamang ng survey na tumataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa pamumuno ng Pangulo sa bansa.
Malinaw din ayon kay Abella na nagpapakita rin lamang ito ng suporta ng publiko sa idineklarang Martial Law ng Pangulo sa Mindanao kasunod ng paghahasik ng karahasan ng teroristang Maute.
Ang nasabing positibong pagkilala aniya ay magsisilbing inspirasyon sa gobyerno para pagsikapang maibalik sa normal ang buhay ng mga taga-Marawi.
By Ralph Obina
Pinakabagong survey ng SWS ikinatuwa ng Palasyo was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882