Pumalo na sa humigit kumulang 150 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng Department of Health, mula sa 127 na naitala alas-11 bisperas ng Bagong Taon, nadagdagan pa ito ng mahigit 20 sa kasagsagan ng pagpapalit ng taon.
Tinatayang nasa 100 na rin mula sa nasabing bilang ang mga bata na nabibiktima ng paputok kung saan, halos 70 kaso rito ay mula sa piccolo.
Kasunod nito, sinabi ni Tayag na nakatakdang maglabas ng pinakabagong datos si Health Secretary Paulyn Ubial hinggil sa bilang ng mga nabibiktima ng paputok ngayong unang araw ng Enero 2017.
By: Jaymark Dagala