Binuksan na ngayong araw na ito ang pinakabagong vaccination site sa lungsod ng Maynila kung saan 400 doses ang nakalaan
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno ang COVID-19 drive thru vaccination site sa quirino grandstand ay uubra sa mga nais magpa bakuna na may sasakyan tulad ng jeep o kotse bagama’t hindi pa muna pwede ang naka motorsiklo o bike sa ngayon.
Kailangan din aniyang mag register online at magpa schedule sa kanilang website at isang text message ang magku kumpirma kung pasok na sa drive thru vaccination na bukas naman kahit sa mga hindi residente ng lungsod ng Maynila.
Dahil nasa loob lamang ng sasakyan hindi lamang isang tao ang pwedeng magpa bkuna o hanggang apat na sakay ng isang sasakyan basta’t nakarehisto lamang din sa website at kahit isa lang ang kaka schedule.
Ang drive thru vaccination ay katabi lamang ng covid testing site at Manila COVID-19 field hospital.
Bukod sa vaccination site sa lugar mayruong first dose vaccination din sa UST ngayong araw na ito na pinaglaanan ng 2,500 doses at second dose vaccination naman sa ibang piling paaralan at mall sa lungsod.