Nakalabas na ng ospital at nakauwi na sa kanilang bahay ang two-month old baby, matapos na gumaling at maging pinakabatang coronavirus disease 2019 (COVID-19) survivor sa lalawigan ng Bataan.
Ayon kay Medical Technologist Marigae Krista Monilla, ngayong araw ang ikalawang buwan ng sanggol na isinilang noong Marso.
Na-confine sa Mariveles District Hospital ng halos isang buwan ang sanggol makaraang lumabas sa resulta ng kanyang eksaminasyon na positibo ito sa virus.
Sa pinost na video ni Monilla, makikita na masayang pinalakpakan ng mga medical staff ang baby habang karga-karga ito ng kanyang guardian palabas ng ospital.
Pahayag ni Monilla, naglaho ang lahat ng kanilang mga naramdamang pagod at stress dahil sa paggaling na ito ng sanggol.