Hinimok ni House Deputy Speaker Mike Romero ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Finance (DOF) na gumagamit ng pinakahuling statistical references bukod sa 2015 census sa pagtukoy ng mahihirap na pamilya.
Sinabi ni Romero na kailangang palawakin ang sakop ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil tiyak aniyang babalik sa mahigit 20% ang poverty rate o higit 4-milyong pamilya.
Ibinabala ni Romero ang posibleng pag-doble ng unemployment rate sa buong taon kapag hindi nakabalik sa trabaho ang mga manggagawang naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ayon pa kay Romero, mahalaga ang 2020 census dahil kakailanganin ito ng kongreso at ng gobyerno sa adjustment ng susunod na budget, gayundin sa calibration ng COVID-19 measures.
Mayroon na aniyang resulta ang Philippine Statistics Authority ng 2018 family income and expenditure survey na maaaring magamit ng DSWD at DOF upang remedyuhan ang poverty data sa paggawa ng bagong calculations para masakop agad ang mga pamilya sa makikinabang sa social amelioration program.