Simula kaninang alas-6 ng umaga ay tatlong beses nang binawasan ng National Irrigation Administration ang volume ng pinakakawalang tubig sa Magat Dam.
As of 8am ay 7 gate pa rin ang nakabukas sa dam ngunit mula sa 4 na metro ay ginawa na lang dalawang metro ang gate opening sa 3 radial gates nito.
Nagpapakawala ang mga ito ng 430 cubic meter per second na dami ng tubig.
Simula naman mamayang alas-8:30 ng umaga ay unti-unti na ring isasara ang 2 gate sa Magat Dam.
Sa abiso ng nia, apat na gate pa ang magbabawas ng pinakakawalang tubig hanggang sa tuluyang isara ang radial gates no. 1 at 2 mamayang alas-10 ng umaga.
Batay sa datos mula sa PAGASA Hydrometeorology Division, as of 6am ay naitala sa 191.70 meters ang antas ng tubig ng magat dam na malapit lapit sa 193-meter spilling level nito.