Naitala ang pinakamababang active cases ng COVID-19 sa bansa na nasa 57,763 mula noong Hulyo 29.
Ito ayon sa DOH ay matapos maitala sa 4,405 ang mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan kaya’t sumirit sa mahigit 2.7 milyon na ang kumpirmadong kaso ng virus sa bansa.
Sinabi ng DOH na mula sa mga active cases, 76.2% ang mild, 6.5% ang asymptomatic, 5.3% ang severe at 2.3% ang critical condition.
Samantala, sumirit pa sa halos 2.7 milyon ang total recoveries matapos madagdag ang 7,561 na mga bagong gumaling sa nasabing virus.
Pumapalo na sa halos 42,000 ang death toll kabilang na ang 149 na mga bagong nasawi sa nasabing virus.—mula sa ulat ni Aya Yupanco (Patrol 5)