Sumadsad na sa 580 ang karagdagang COVID-19 cases sa bansa, batay sa datos mula sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH) kahapon.
Ito na ang pinaka-mababang additional COVID-19 cases na naitala ngayong taon at simula noong December 28, 2020.
Bumagsak din sa 47,471 ang active cases habang lumobo na sa 3 million 669 thousand 283 ang kabuuang kaso.
Nasa 3,564,630 naman ang total recoveries habang 57,182 ang total death toll.
Bagaman itinigil na ng DOH ang daily COVID-19 bulletin, ia-update naman ito kada linggo at tuwing Lunes inilalabas.