Naitala kahapon ng Department of Health (DOH) ang pinakamababang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 simula noong Enero.
Batay sa datos na inilabas ng DOH, nasa 30,527 na lamang ang aktibong kaso sa bansa, sumunod na mababa kumpara sa naitala noong Enero a-kwatro na nasa 29,809.
Nasa 290 naman ang panibagong nahawa sa virus sa bansa para sa kabuuang 3,680,802 na kaso.
Ang mga rehiyong nanguna sa nakapagtala ng maraming kaso nitong nakalipas na linggo ay ang; National Capital Region (NCR) na may 1,426, region 4-A na may 512 at Region 3 na may 375.
Umakyat naman sa 3,590,615 ang mga gumaling sa Pilipinas, habang 59,660 ang mga nasawi dahil sa COVID-19. – sa panulat ni Abby Malanday