Naitala kahapon ng Department of Health (DOH) ang 123 bagong kaso ng COVID-19, na pinakamababa sa nakalipas na dalawang taon o mula noong Mayo a-8, 2020.
Dahil dito, umakyat na sa 3, 684, 835 ang kabuuang kaso sa bansa.
Bumagsak naman sa 11, 580 ang bilang ng aktibong kaso, na pinakamababa simula noong Disyembre a-29 2021.
Sa kabuuan, 3, 613, 060 na ang gumaling habang 60, 195 na ang nasawi.