Nananatiling maayos at payapa ang San Juan City.
Binigyang-diin ito ni San Juan Mayor Francis Zamora matapos ipagmalaki ang nakapagtala ng pinakamababang bilang ng mga insidente ng krimen sa buong Metro Manila.
Bukod pa ito aniya sa pagiging drug free ng mga barangay sa lungsod.
Sinabi ni Mayor Zamora na malaking tulong ang mga factors na ito para lumago pa ang ekonomiya ng San Juan at makapagbigay ng maraming trabaho sa kanilang mga residente.