Naitala ang pinakamababang cash remittances ng Overseas Filipino Workers ngayong Agosto.
Batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mula sa 2. 06 billion dollars na cash remittance ng mga OFW noong Agosto ng nakaraang taon, bumagsak ito sa 2. 04 billion dollars o katumbas ng .6 percent na pagbaba.
Sinasabing ito na ang pinakamababang cash remittance ng OFW’s sa loob ng 12 taon.
Paliwanag ng BSP, ang naturang pagbagsak ng cash remittances ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng ilang currencies laban sa dolyar partikular sa Euro, Canadian dollar at Japanese yen.
By Ralph Obina