Karagdagang 810 covid-19 cases ang naitala sa bansa kahapon, ang pinaka-mababang daily tally sa nakalipas na halos 2 linggo.
Dahil dito, sumampa na sa 4,200,900 ang total caseload habang bumaba sa 18,824 ang active cases ang naitala ng DOH.
Tumungtong naman sa 3,937,000 ang recoveries habang bahagyang umakyat na sa 64,432 ang death toll.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinaka-maraming kaso na 2,945 sa nakalipas na dalawang linggo; sinundan ng Calarbazon, 1,772; Western Visayas, 1,413 at Central Luzon, 1,046.