Sumadsad na sa 6 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang dahilan batay sa datos ng PNP Health Service kaya sumampa na sa 48, 750 ang kabuuang kaso kung saan, 166 dito ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 42 ang mga bagong gumaling sa sakit kaya’t umabot na sa 48,456 ang total recoveries sa sakit.
Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa PNP dahil sa virus kaya’t nakapako pa rin sa 128 ang kanilang total death toll.
Ito na ang pinakamababang kaso ng COVID-19 na naitala sa hanay ng PNP mula noong Disyembre ng nakalipas na taon. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)