Naitala ang pinakamababang lebel ng tubig sa kasaysayan sa La Mesa dam.
Batay sa dam monitoring ng PAGASA ngayong araw na ito, nasa 68.74 meters na lamang ang antas ng tubig sa La Mesa dam, mas mababa sa nakatalang lowest water level sa dam noong 1998 na 68.75 meters.
Matatandaan na itinuturing na isa kung hindi man pinakamatindi ang El Niño phenomenon na tumama sa bansa noong 1998.
Kabilang pa sa mga dam na nakapagtala na ng mababang lebel ng tubig ang Magat dam sa Isabela na may 168.57 meters mula sa normal na 190 meters, San Roque dam na may 264.79 meters mula sa 280 meters at Pantabangan dam na may 204.12 meters mula sa normal na 216 meters.
Samantala, nananatili namang normal ang lebel ng tubig sa Angat dam na siyang pinagkukunan ng supply ng tubig para sa Metro Manila.
Batay sa datos ng PAGASA, nasa 199.63 meters ang lebel ng tubig sa Angat, malayo pa sa kritikal subalit mababa na sa normal na 210 meters.
—-