Bumaba sa ika-limang sunod na buwan nitong Setyembre ang ipinadadalang remittance ng mga OFW’s o Overseas Filipino Workers.
Ayon ‘yan sa BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas bunsod ng repatriation sa ilang mga undocumented OFW’S sa Saudi Arabia gayundin ang desisyon ng ilang global banks na ipasara ang mas maraming money service facilities.
Ayon sa BSP, bumaba ng pitong porsyento ang remittance na ipinadadala ng mga OFW nitong Setyembre o katumbas ng dalawa punto apatnapu’t apat na bilyong Dolyar na lubhang mas mababa kumpara sa dalawa punto tatlumpu’t dalawang bilyong piso nuong abril.
Ito na ang pinakamababang remittance rate na naitala ng Central Bank mula nang pumalo ito sa anim punto dalawang posyentong pagsadsad nuong Nobyembre ng taong 2014.