Naitala sa Mountain Province ang pinakamababang temperatura ngayong taon.
Ito ay matapos bumagsak sa 7 degrees celsius ang temperatura sa bayan ng Barlig.
Sa ibang bahagi naman ng Mountain Province gaya ng Sagada, Bontok , Tadian, Sadanga at Sabangan ay nakapagtala naman ng lamig na nasa 16 degrees celsius.
Ayon sa mga residente, bukod sa makapal na hamog nakakaranas din ng paminsan-minsang pag-ulan sa probinsya na nakakadagdag ng lamig sa kanilang lugar.
—-