Bumagsak sa 10.8 degrees celsius ang temperatura sa La Trinidad, Benguet nitong Martes.
Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa bansa simula nang ideklara ang panahon ng amihan.
Ayon sa PAGASA, patuloy na mararamdaman ang malamig na temperatura sa bansa dulot ng Northeast Monsoon o Amihan season.
Samantala, naitala rin kahapon ang lowest air temperatures sa Baguio City, Benguet na 13.8 degrees celsius, 18.1 degrees sa San Jose, Occidental Mindoro at 19.0 degrees celsius sa Basco, Batanes.