Naitala ang pinakamababang unemployment rate mula sa nakalipas na 14 na taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) rumehistro sa halos 96% ang employment rate sa buwan ng Oktubre na 0.6% na mas mataas sa employment rate noong October 2018.
Dahil dito naitala sa 4.5% ang unemployment rate kumpara sa 5.1% noong October 2018.
Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na kinukunsider nila ang taong 2005 kung kailan aniya isinulong ng gobyerno ang pagbabago sa pakahulugan ng ilang key terms sa labor force participation survey.
Ipinabatid din ni Mapa na bumagsak sa 13% ang underemployment rate noong buwan ng Oktubre mula sa 13.3% na naitala noong October 2018.