Naitala nitong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo o inflation sa loob ng limang taon.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, nairehistro ang 5.2 percent na inflation para sa buwan ng Hunyo na mas mataas kumpara sa 4.6 na inflation noong Mayo.
Mas mabilis din ito kaysa sa 4.3 hanggang 5.1 na pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas at 4.9 percent na outlook ng Department of Finance.
Lumalabas ding dumoble ang inflation nitong Hunyo kumpara sa kaparehong period nito noong nakaraang taon na nasa 2.5 percent lamang.
Ipinaliwanag ng PSA na mabilis na inflation para sa buwan ng Hunyo ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga alak at sigarilyo na nasa 20.8 percent pagtaas ng singil sa pabahay, tubig, kuryente at langis na nasa 4.6 percent.
—-