Nakatakdang ilunsad sa Singapore ang pinakamahabang commercial flight sa Oktubre.
Ayon sa kumpanyang Singapore Airlines, ang magiging biyahe ay papunta at pabalik ng New York at Singapore na tatagal ng labing walong (18) oras at apatnapu’t limang (45) minuto.
Dati na umanong may biyaheng ganito ang Singapore Airlines ngunit itinigil noong 2013 dahil sa mataas na presyo ng langis.
Sa kalukuyan ay hawak ng Qatar airwAys ang pinakamahabang passenger flight papunta at pabalik ng Doha at Auckland, New Zealand.
—-