Bubuksan na ng India ang pinakamahaba nitong tulay sa ibabaw ng Lohit River.
Ang Dhola Sadiya Bridge ay may habang siyam punto labin limang (9.15) kilometro na kumokonekta sa disputed state ng Arunachal Pradesh na inaangkin naman ng China.
Ayon sa militar, malaking tulong ang naturang tulay upang palakasin ang kanilang depensa kontra China lalo’t may mga bahagi ng India ang inaangkin ng Beijing.
Matatandaang 2011 nang simulang itayo ang naturang tulay.
By Ralph Obina