Nagcra-crave ka ba ngayon sa burger?
Sa halagang P315,000, makakakain ka na ng burger na mayroong tunay na ginto!
Ito ang “The Golden Boy” ng Netherlands, ang pinakamahal na burger sa buong mundo ayon sa Guinness World Records.
Binubuo ang burger ng ilan sa mga pinakamahal na sangkap sa buong mundo, katulad ng A5 Japanese Wagyu beef para sa patty.
May palaman din itong king crab, white truffles, onion rings, Paleta Ibérico Bellota ham, at Beluga caviar.
Gawa naman ang sauce sa Kopi Luwak coffee at Macallan single malt whiskey.
At siyempre, hindi mawawala ang buns na nilagyan ng Dom Pérignon champagne at gold leaf.
Ayon sa chef na si Robbert Jan De Veen, mahalaga para sa kanila na maging masarap ang kanilang burger. Tiniyak nilang perpektong maghahalo ang five basic tastes dito na sweet, sour, salty, bitter, at savory.
Ika nga ng mga nakatikim na ng The Golden Boy, intense ang lasa ng nito.