Hindi dapat kalimutan ng bawat Pilipino ang pinakamahalagang leksyon na natutunan ng bansa, 121 taon na ang nakakaraan.
Tinukoy ni Professor Xiao Chua, isang historian, ang pagtayo sa sariling paa ng mga Pilipino nang palayain natin ang ating bansa mula sa 300 taong pananakop ng Espanya.
Ayon kay Chua, maaaring tumulong noon ang Amerika para makawala ang Pilipinas sa Espanya, subalit napakalinaw anya sa kasaysayan na ang ating kalayaan ay utang natin sa ating mga kapwa Pilipino.
Pero ‘yung cedit kasi binibigay sa Amerikano, e, sa pagpapaalis sa Español. Mali po ‘yun, e. Ang mga Amerikano, nandoon lang sila sa Manila Bay, natalo lang nila ‘yung ships. So, no’ng Hunyo pa lang marami nang puwersa ang nananalo kaya naimarapat ni Heneral Emilio Aguinaldo, iproklama na ‘yung ating Independencia sa Kawit, Cavite. At ito ay muling inulit, itong proklamasyon na ito, Agosto uno. Minsan mayroon tayong pagtingin na tayo ay dapat umasa sa dayuhan, e, ipaalala natin kapag Independence Day tayo ang nagpanalo ng rebolusyon natin, kaya, bagamat katulong natin ang mga dayuhan, dapat tumatayo tayo sa sarili nating mga paa,” pahayag ni Prof. Chua.