Muling naitala ng PAGASA ang pinakamainit na heat index sa ilang lugar sa bansa.
Sa inilabas na datos ng PAGASA, ito’y muling naitala kahapon, may 15 bandang alas-2 ng hapon sa Dagupan City sa pangasinan sa -53 °C.
Dagdag pa ng Weather Bureau, ito na ang pinakamainit na naitalang heat index sa bansa ngayong 2021.
Mababatid na ang heat index ang panukat ng alinsangan o init na nararamdaman ng isang tao.
Samantala, ngayong araw ng Sabado hanggang bukas, Linggo, Mayo 16 ay mananatiling maiinit na panahon ang mangingibabaw sa Luzon at sa Visayas dahil sa easterlies.