Inanunsiyo ng PAGASA ng dalawang lugar sa bansa ang nakaranas ng pinakamainit na panahon, magmula nang ideklara ang panahon ng tag-init.
Ayon sa PAGASA, ang dalawang lugar sa Pilipinas na nakapagtala ng 47 degree celsius na heat index ay ang Butuan City, Agusan del Norte noong Marso 24 at San Jose, Occidental Mindoro noong Marso 25.
Tumutukoy ang “Heat index” Sa bilang ng temperatura na nararamdaman ng katawan.
Gayunman ang mga temperaturang umaabot sa 42 hanggang 51 degree celsius ay ikinokonsiderang nasa danger zone, kung saan ang isang tao ay mataas ang posibilidad na makaranas ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Ang iba pang lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na temperatura noong marso 30 ay ang Catarman, Northern Samar na may 46 degree celsius at ang roxas City, Capiz na may 43 degree celsius.