Naitala sa nakalipas na dekada ang pinakamainit na panahon sa buong mundo.
Batay ito sa annual assessment sa klima ng mundo na isinagawa ng World Meteorological Organization (WMO) na nakabase sa Geneva.
Ayon sa WMO, nagiging regular na kaganapan na sa panahong ito ang mga heatwaves at matitinding pagbaha na dati rati ay paminsan minsan lamang nararanasan.
Batay sa report ng WMO, pinamataas na ang mga temperatura na naitala mula 2010 hanggang sa kasalukuyang taon at malaki ang posibilidad na ang 2019 ang ikalawa o ikatlong pinamainit na taon sa kasaysayan.