Naitala sa dagupan City ang 54.39°C heat index na siyang pinakamataas na temperatura kahapon.
Batay sa datos ng PAGASA at Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), nasa extreme danger category na ang naitalang mataas na temperatura.
Delikado na ito sa isang tao lalo na kung maglalaro ang temperatura sa 41 hanggang 54°.
Ang nasabing temperatura na ang pinakamataas na naitala sa Dagupan na may humidity na 68°.