Pumalo sa 41 degree Celsius ang pinakamataas na heat index o init factor ang naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Batay sa tala ng PAGASA, 41 degrees ang naitala sa Science Garden sa Quezon City, 45.2 degrees Celcius naman sa Dagupan City sa Pangasinan at naramdaman din sa Ambulong, Batangas; Cabanatuan, Nueva Ecija at Casiguran, Aurora.
Naramdaman din ang matinding heat index sa mga lugar ng Subic Bay sa Olongapo; Cuyo sa Palawan; Dauis sa Bohol; San Jose sa Occidental Mindoro; Sangley Point sa Cavite; Tuguegarao City sa Cagayan at sa Zamboanga City.
Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko sa mga implikasyong posibleng maidulot ng sobra-sobrang init ng temperatura kaya’t ibayong pag-iingat ang kinakailangan.
—-